Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Sumailalim ang
walumpot limang fire brigade volunteers sa pagsasanay ng first aid at rescue
drills upang maging suporta sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa
panahon ng sunog at anumang responde.
Ayon kay Catherine
Fulgencio ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagsimula
ngayon araw ang kanilang training sa Balusbos Elementary School kung saan
magtatagal ito hanggang September 1.
Ang mga volunteers
ay sasanayin sa tama at epektibong pagtulong at kung paano ang ligtas na paraan
bilang isang fire volunteer.
Kaugnay nito, ang
mga fire brigade volunteers
ay may kabuuang apatnapung oras na pagsasanay sa
pag-aapula sa sunog, emergency reponse, first aid at
marami pang iba.
Ito umano ang
kauna-unahang Fire Brigade Training sa lahat ng mga Volunteers sa bayan ng
Malay.
Ang aktibidad ay
naisakatuparan sa pamamagitan ng Malay MDRRMO Responders Team, Barangay
Disaster Risk Reduction Management Council, mga Barangay Tanod, empleyado ng
LGU-Malay, MAP at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment