YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 30, 2017

Bahay ng Dutch National, niluoban ng magnanakaw

Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for magnanakawNagpasaklolo ang Dutch National sa Boracay PNP matapos umanong looban ang kanilang bahay sa Sitio Hagdan, Yapak, Boracay.
Ang nagrereklamo ay isang dutch national na kinilalang si Ingrid Yolande Van Breemen, 63-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa report nito sa mga pulis, naglilinis umano ng swimming pool ang kanilang caretaker ng mapansin nito ang bag ni Breemen sa labas ng bahay  na labis nitong ipinagtaka.


Dahil dito, mabilis na kinuha ng caretaker ang bag at ibinigay sa kanya
subalit ng ito ay kanyang tiningnan ay laking gulat nito na nawawala na ang kanyang pera na nagkakahala ng P 6, 000 at $50 US Dollar.

Napag-alaman na nawawala rin sa loob ng bahay ang cellphone ng asawa nito na nakapatong sa lamesa ng sala.

Sa kanilang pag-usisa  sa CCTV, dito nila nakita na pinasok sila ng hindi nakilalang suspek at umano’y ito ang nagnakaw ng kanilang nawawalang pera at cellphone.

Kasalukuyan namang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na nakunan pa sa CCTV at kumalat na sa social media habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

No comments:

Post a Comment