Posted July 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE
BEST Boracay
Isang miyembro ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang napabilang
sa mga national awardee sa gagawing 22nd Police Community Relations Month ng
PNP.
Sa panayam ng himpilang ito kay SPO1 Christopher Mendoza,
gaganapin umano ang pagbibigay parangal na ito sa Hulyo 31 ng taong kasalukuyan
sa Camp Crame, Quezon City.
Nabatid na national awardee si Mendoza bilang 2017
Outstanding Senior Police Non- Commission Officer sa field ng Police Community
Relations.
Magugunitang si Mendoza ay nakatanggap na rin ng parangal
sa Regional level bilang isa sa mga nangungunang opisyal ng pulis na aktibo sa
mga programa ng PNP lalo na sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa kumonidad sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment