Posted July 12, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay

Sa panayam ng himpilang kay Engr. Dyjee Gallegan ng
National Telecommunication Commission o NTC, nabatid na ang mga gumagawa ng
scam na ito ay nanggaling sa Regular Cellphone Number na mayroong 11- digit
number.
Ipinaaabot nito na ang mga natatanggap na mga text
message na katulad na lamang ng pagkapanalo sa isang raffle o gadget ay
kinukonsidera bilang scam.
Dagdag pa nito, iwasang i-entertain ang mga ganitong
mensahe at mas mabuting i-report agad sa NTC Regional Office para maiwasan ang
mabiktima nito.
Samantala, ang babala namang ito ay para sa kamalayan ng
publiko.
No comments:
Post a Comment