Posted July 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Iminungkahi
ngayon ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron sa kanyang mga kasamahan
kahapon sa 23rd Regular Session ang pagpapa-igting ng seguridad partikular sa
dalawang Cargo Port sa Bayan ng Malay.
Sa naging
Privilege Speech ni Pagsuguiron, nais ng konsehal na inspeksyonin ang mga
pumapasok na kargamento na dumadaan sa
dalawang cargo port sa Caticlan.
Aniya, isang
paraan umano ito para masiguro na hindi tayo malulusotan ng mga illegalista na
may bitbit na kontrabando papuntang Boracay.
Nais din ni
Pagsuguiron na ipatawag sa susunod na sesyon ang Coast Guard upang ipaalam sa
kanila ang hakbang na gusto niyang ipatupad.
Nabatid kasi na
ang Coast Guard ang may mandato at nag-aaproba ng mga cargo bago ito itawid sa
isla.
Napagkasunduan ng
plenaryo na imbitahan ang opisina ng Philippine Coast Guard, Philippine
National Police (PNP), representante ng LGU-Malay at Brgy. Chairman ng
Caticlan.
No comments:
Post a Comment