YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 17, 2017

Chinese Embassy, nag-donate ng Ambulansya sa isla ng Boracay

Posted July 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people standing
Photo Credit: Leonard Tirol
Isang bagong ambulansya ang natanggap ng Boracay Fire Rescue & Ambulance Volunteers (BFRAV) handog ng Chinese Embassy.

Sa pamamagitan ni Lou Gang, Chinese Counselor and Consul General ay nai-turn-over ang rescue ambulance  para magamit sa lahat ng responde ng BFRAV sa .

Itong hakbang ng China ay para magbigay suporta para makatulong sa mga residente at turista lalo na sa panahon ng emergency.

Labis naman ang pasasalamat ni Commodor Leonard Tirol, Founder at CEO ng BFRAV dahil malaking tulong umano ito sa kanilang ginagawang rescue operation sa oras na may mangangailangan ng tulong.

Sa ngayon ay may apat na ambulansya na ang BFRAV na rumiresponde sa lahat ng emergency call

No comments:

Post a Comment