Posted July 17, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Ipinatigil na umano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang pag-bulldoze
ng developer ng isang airline company sa bundok na bahagi ng Barangay
Yapak.
Sa panayam kay SB Member Nenette Aguirre-Graf na Chairman
din Committee on Environment ng Sangguniang Bayan ng Malay, ipinatigil ng
LGU-Malay ang operasyon dahil narin sa reklamo na kanilang natanggap.
Ang nabanggit na pangyayari ay ipina-abot din ni Yapak
Punong Barangay Hector Casidsid sa LGU maliban pa sa mga kumakalat na litrato
sa social media na pinag-uusapan na rin ngayon ng mga netizens.
Ani Graf, bagamat nabili na ang lupa ay hindi pa pwedeng
mag-develop sa lugar dahil wala pa umano itong permit sa Malay.
Umapela rin ito sa may-ari ng property na hangga’t maari
ay i-preserve at huwag muna itong lagyan ng development dahil tirahan ito ng
mga endangered na fruitbats o paniki at mga unggoy.
Nabatid kasi na mismo ang DENR na rin ang nagsabi na
hindi umano pwedeng galawin ang lugar.
Samantala, magpupulong umano ang mga nasa likod nito at
pag-uusapan nila kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa lugar.
No comments:
Post a Comment