Posted July 17, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Halos isang daang porsyento na umanong tapos ang ginawang
paghahakot sa mga nakatambak na basura sa Centralized MRF ng ManocManoc bago
ang deadline na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) ngayong araw, Hulyo 17.
Ito ang masayang ipina-abot ni LGU Executive Assistant II
Jimmy Maming bilang sagot sa ibinigay na ultimatum ng DENR sa Lokal na
Pamahalaan ng Malay.
Ani Maming, kahit maayos na ang basura sa MRF-ManocManoc
patuloy parin ang kanilang ginagawang kalutasan sa naturang isyu.
Kung matatandaan ang opisina ng (PENRO Aklan) ay nagbaba
ng isang sulat nitong Marso sa Lokal na Pamahalaan ng Malay sa agarang paglipat
ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay at pagpapahinto ng opersayon ng
Centralize MRF kung hindi ito maaksyunan.
Ito’y sa dahilan na samut-saring reklamo ang natanggap
mula sa mga residente at ng paaralan ng ManocManoc dahil sa mabahong amoy na nalalanghap.
Kaugnay nito, plano ng LGU-Malay na gawing rehabilitation
center at i-develop na maging Greening System ang lugar.
Samantala, dahil natapos na ang paghaul ng mga basura
muli naman nilang pag-uusapan ang Republic Act 9003, kung saan nakapaloob dito
na ang lahat ng barangay ay obligado na magkaroon ng MRF.
No comments:
Post a Comment