Posted May 3, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang naging obserbasyon ni Balabag Punong Barangay Lilibeth
Sacapaño, sa katatapos na LaBoracay nitong Abril 28 hanggang Mayo 1 ng taong
kasalukuyan.
Aniya, maliban sa problema sa traffic dahil sa pagdagsa
ng mga Local at Foreign tourist na nakisaya sa taunang big event na LaBoracay
ay labis naman na naging suliranin ang hindi maayos at pag-manage ng mga
basura.
Dagdag pa ni Sacapaño, sa mga nakalipas umano na taon
bago magsimula ang LaBoracay event ay ipinapatawag ang mga taga-Barangay para
malaman ang kanilang mga dapat gawin bago payagan ang organizer katulad umano ng pagkuha ng sariling
mag-aayos ng basura subalit ngayon umano ay walang nangyaring meeting.
Sa kabilang banda,
kahapon araw ng Martes ay nagsagawa ng Beach Clean-up ang mga volunteers mula
sa Balabag at ilang organisasyon kasama si Vice Mayor Sualog at mga empleyado
ng San Miguel Corporation.
Ayon kay Kap Lilibeth, taunan na umano nila itong
ginagawa sa pagtatapos ng LaBoracay na siya namang magandang paraan para ipunin
ang kalat ng mga bisita.
Sa panayam kay Jerome Embate ng San Miguel Corporation,
layunin umano nila na mahikayat din ang ibang kompanya katulad ng mga hotel,
Non-Government Organizations (NGO’s) at iba pang negosyante sa isla na gawin
ang kahalintulad na aktibidad.
No comments:
Post a Comment