Posted May 1, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa dagsa ng mga bakasyunista, pansamantala muna
ngayong kinansela ng BLTMPC ang Color Coding Scheme ng mga tricycle unit sa
isla ng Boracay dahil sa kakulangan ng masasakyan ng mga pasahero.
Ayon kay Boracay Land Transportation Multi Purpose
Cooperative o (BLTMPC) Operation Manager John Pineda, ipinag-utos na umano
kagabi ng Chairman na si Joel Gelito ang pagkansela ng color coding sa isla.
Aniya, mismong siya ay naranasan ang pahirapan sa
pagsakay ng traysikel dahil sa dami ng mga bisitang pumupunta at nakiki-pagsaya
sa taunang event na LaBoracay o party on the beach.
Idinagdag pa ni Pineda, hindi pa nila alam kung hanggang
kailan magtatagal ang color coding subalit kanila naman itong i-aanunsyo kung
maging maayos na ang flow ng operation.
Samantala, paalala parin ni Penida sa mga driver
operators na mag-ingat sa kanilang pagbyahe at huwag mag-overprize sa
paniningil sa mga pasahero.
Payo din nito sa mga pasahero kung sila ay may mga
reklamo ay idulog lamang ito sa kanilang opisina upang kanila agad na
maaksyunan.
Nabatid na kinansela ang color coding ng mga tricycle
noong nakaraang taon sa kapareho ring event dahil sa sobrang dami ng mga turista.
No comments:
Post a Comment