Posted April 18, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kaya naman muling nagpaalala ngayon ang Provincial Health
Office o (PHO) Aklan sa publiko, ang maaaring sanhi na pwedeng kumapit sa ating
katawan partikular sa balat na dala ng init ng araw.
Ayon kay Provincial Health Officer II, Dr. Victor
Santamaria ng PHO-Aklan, dahil sa panahon ng tag-init nauuso na naman ang mga
sakit kagaya ng sore eyes, pag-susuka, rushes at heat stroke.
Ani Santamaria, upang maiwasan umano itong sakit huwag
basta-bastang lumabas ng bahay at kung magbabakasyon man sa mga beach ay
magdala ng proteksyon sa katawan katulad na lamang ng paggamit ng sun block at
pagdala ng bote ng tubig.
Kaugnay nito, pina-alalahanan niya rin ang publiko sa
sintomas ng heat stroke kung saan ito umano ay umaatake kapag ang katawan ng
tao ay nakabilad ng mahabang oras sa matinding init ng araw.
Samantala, pinayuhan nito ang lahat na huwag masyadong
i-expose ang balat sa init, uminom ng maraming tubig at magsuot ng light
colored na damit para hindi masyadong mainit sa paningin.
No comments:
Post a Comment