Posted February 21, 2017
Akreditado na o Certified International Organization for
Standardization (ISO) ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Ito umano ay sa pamamagitan ng ISO 9001:2008 na
inaprobahan ng TUV Rheinland.
Nabatid na ang Aklan ay isa sa probinsya na nakakasunod sa ISO Standards at
nag-iisang nakatanggap ng ISO-certification kung saan ito umanong resulta ay lumabas noong Pebrero 14 taong kasalukuyan.
Kung matatandaan noong nakalipas na taon, sinabi ni Bise Gobernador Reynaldo
Quimpo, na nakikipag-koordinasyon na
sila sa Anglo Japanese American, na siyang kinatawan ng ISO, para sa kaukulang
requirements.
At sa tulong naman umano nang kanyang asawa na si dating Bise-Gobernador Gabrielle Calizo-Quimpo, inayos nila
ang tungkol sa pagsunod sa nasabing regulasyon.
Ito umanong certification ay nangangahulugan na ang
processes, steps at systems ay kinakailangan
sa mga function ng SP Secretariat in Legislative Support Services, Records
Management and Archiving, Administrative Services and Minutes and Journals
Documenting at isasama ito sa international standards na
itinakda ng ISO 9001:2008.
No comments:
Post a Comment