Posted February 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nabanggit sa
ginanap na press conference ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kahapon
ang isyu tungkol sa South China Sea.
Nabatid na ang
nasabing usapin ay may kinalaman sa Code of Conduct framework na siyang
magiging daan para maisaayos ang tensyon sa South China Sea.
Sa pahayag ni Department
of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Enrique A. Manalo, wala umanong
pagbabago sa ASEAN Position kung saan nagkakaisa ang ASEAN para sa COC.
Aniya,mas
determinado pa sila upang i- finalize ang COC Framework sa lalong madaling
panahon at magpatuloy sa aktuwal na negosasyon kung kaya’t umaasa sila ng magandang
resulta.
Matatandaang
ilang taon na ang isyung ito kung saan target itong matapos ngayong taon.
Sa kabilang dako
naman, nabanggit din ni Manalo ang mga update sa Senior Officials Meeting ng
gaganaping Foreign Minister’s Retreat ngayong araw kung saan pag- uusapan ang discussions on ASEAN
community building, conduct of ASEAN summits, external relations at milestone
anniversaries ng regional body lalo na ang - usap sa mga non-ASEAN
countries.
Samantala, dahil
sa pagpapatuloy ng ASEAN Summit, mahigpit pa rin ang ginagawang seguridad ng
mga hanay ng pulis sa isla.
No comments:
Post a Comment