Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nagtala ng pinakamaraming international flights ang
Kalibo International Airport (KIA) sa nakalipas na taon.
Naabot nito ang 94% na international inbound flights sa
Western Visayas at Negros Occidental at halos 21% na mga domestic flights.
Umabot sa 6, 908 ang domestic flight na naitala ng KIA
galing sa Manila at Cebu at 4, 634 naman para sa mga direct na byahe mula sa
bansang Singapore, Incheon( South Korea), Hongkong, Taipei(Taiwan), Kuala
Lumpur (Malaysia), at China.
Base naman sa datos ng Department of Tourism Region 6,ang
Bacolod-Silay Airport ay nakapagtala ng 11,466 domestic inbound flight, habang
ang Iloilo International Airport ay nagkaroon 285 na mga internasyonal na
flight at 10,058 domestic flight.
Nabatid na ang isa pang airport sa Caticlan, Aklan na
Godofredo P. Ramos Airport sa Bayan ng Malay ay nagkaroon ng 3,600 domestic
flight mula sa Cebu at Manila, habang ang Roxas Airport sa Capiz nagkaroon
1,460 domestic inbound flight, din mula
sa Manila at Cebu.
Samantala, inaasahan maisasaayos ng Caticlan Airport ang
lokal na trapiko sa mga pasahero kasabay ng mataas na bilang ng flights ng mga
airline companies ng kumpanya kung saan maaari na nitong mahawakan ang mga mas
malalaking aircrafts at sa gayon ay pwede nang payagan ang mga turistang
nagmula sa Manila at Cebu na dumiretso ng Boracay nang hindi dumaraan sa
Kalibo.
No comments:
Post a Comment