Tuesday, December 20, 2016

Dalawang construction worker, huli sa umano’y pagnanakaw sa front beach ng Boracay

Posted December 20, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for THEFT
Nahuli ang dalawang lalaking construction worker matapos na umano’y maaktuhang kinukuha ang wallet ng isang foreigner sa front beach habang ang biktima ay naliligo sa dagat.


Base sa blotter report ng Boracay PNP, nag- iikot umano ang dalawang police officer kasama ang miyembro ng Malay Auxilliary Police o MAP sa kahabaan ng Front Beach nang maaktuhan ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng wallet ng turista.

Ngunit nang mapansin umano sila ng mga suspek ay agad nilang itinapon ang wallet at umalis.

Ngunit dahil sa nasaksihan mismo ng mga otoridad ang kanilang ginawa, ay agad inaresto ang mga ito.

Sa ngayon, ay nasa kustodiya ng mga pulis ang dalawang suspek.

No comments:

Post a Comment