Posted December 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katunayan nitong linggo ay halos araw-araw na nakakaranas
ng mahabang pila ng mga pasahero ang nasabing pantalan.
Dahil dito pinaigting na rin ngayon ng Jetty Port
Administration ang kanilang seguridad sa dalawang pantalan lalo na sa pagsuri
ng mga bagahe ng mga pasahero.
Nabatid na dalawang unit ng luggage x-ray machine ang
ginagamit ngayon sa Caticlan ngunit iisa lang dito ang pinapagana sa tuwing
kukunti lang ang pasahero pero dahil sa patuloy na dagsa ng mga turista ay
pinapaandar na rin ang isa nito.
Samantala, dahil sa dami ng magbabakasyon ngayong
kapaskuhan pinaigting na rin ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang seguridad
lalo na sa pag-inspekyon sa roro-vessel at mga bangka pati na sa buong
karagatan na nasasakupan ng Boracay katuwang ang mga pulis na nag-momonitor
naman sa mga terminal ng sasakyan.
No comments:
Post a Comment