YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 25, 2014

Christmas Belen sa bangka, masisilayan sa Nativity Mass mamaya sa HRP Boracay

Posted December 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Masisilayan sa Nativity Mass mamaya sa HRP Boracay ang Christmas Belen sa bangka.

Ayon kay HRP Boracay Priest Moderator Father 'Nonoy' Crisostomo, isa umanong Christmas Belen sa bangka ang napagkasunduan ng church council na gagamitin para sa nativity mass mamayang gabi.

Kakaiba ito sa mga nagdaang taong Christmas Belen dahil hindi ito isang kubo, kungdi bangkang nilagyan ng palamuti.

Dito rin masisilayan ang imahe ng mag-anak ng isisilang na si Hesus.

Samantala, inaasahang mapupuno na naman ang simbahan mamaya bago paman ang misa sa alas 9:00 ng gabi.

Magkaganon paman, all set na rin ang wide screen sa Balabag Plaza.

Taunan naman itong inihahanda ng isang resort sa Boracay para sa mga magsisipagsimba na hindi na makakapasok sa simbahan dahil sa limitadong upuan.

Magugunitang bumuhos ang ulan sa Nativity Mass nitong nakaraang taon na itinuring namang bendisyon ng mga Debotong Katoliko.

No comments:

Post a Comment