YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 06, 2014

Municipal traffic code ng Malay at Boracay isasailalim sa deliberasyon

Posted October 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sasailalim sa deliberasyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang usapin tungkol sa municipal traffic code ng Malay at Boracay.

Sa ginanap na SB Session ng Malay nitong nakaraang Martes sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na nagkaroon sila ng draft and ordinance tungkol dito.

Ito rin ang nilalaman ng kanyang Committee report kung saan nakatakda ang ordinansa tungkol sa municipal traffic code ng nasabing lugar.

Kabilang dito ay ang driving rules at specific ordinances at ang paggawa ng technical working group na mag-aaral para dito.

Samantala, itinalaga naman ni Vice Mayor Welbic Gelito ang nasabing ordinansa para sa second reading sa susunod na Session na siya namang tumatayo bilang chairman ng Konseho.

Napag-alaman na marami ngayong kinakaharap na ibat-ibang problema ang Malay Transportation Office (MTO) pagdating sa ganitong usapin

No comments:

Post a Comment