YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 09, 2014

Motorsiklo, naaksidente matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan

Posted October 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugatan ang isang driver ng motorsiklo matapos maaksidente sa Brgy. Manoc-Manoc Boracay kagabi.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang driver na si Carlo Mendoza, 23 anyos ng So. Tambisaan Manoc-Manoc Boracay.

Batay sa imbestigasyon ng BTAC, nag-overtake ang biktima sa sinusundan nitong dalawang motorsiklo subali’t nawalan umano ng ito ng kontrol at tumumba sa kalsada.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang BTAC sa mga motorista na ibayuhing mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong maulan ang panahon at madulas ang daan.

No comments:

Post a Comment