YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 06, 2014

Mga MEDIA sa Aklan, dumalo sa Responsible Weather Reporting seminar ng DOST

Posted October 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dumalo sa Responsible Weather Reporting seminar ng DOST o Department of Science and Technology ang mga media sa Aklan.

Ibinahagi sa nasabing seminar ang iba’t-ibang kaalaman tungkol sa responsableng pagbabalita o pag-uulat sa lagay ng panahon.

Ayon naman sa mga taga DOST, malaki ang bahaging ginagampanan ng media partikular ng radyo sa pagpapaabot ng wasto at responsableng kaalaman hinggil sa kaligtasan at paghahanda lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ginanap ang nasabing seminar sa Mandaue, Cebu City nitong nakaraang Biyernes hanggang Sabado na dinaluhan din ng mga taga media mula sa iba’t-ibang lugar sa Visayas.

No comments:

Post a Comment