YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 17, 2014

Mga bagong street lights sa Boracay, tinatrabaho na ng LGU Malay

Posted September 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaari nang magkaroon ng bagong street lights sa isla ng Boracay.

Ayon kay Municipal Engineer OIC Eng. Arnold Solano, tinatrabaho na nito ang program of works para sa mga nasabing street lights kung saan meron na din umanong budget para dito ang LGU Malay.

Katunayan, naghahanap na rin umano sila ngayon ng supplier para sa ibang desinyo ng poste matapos imungkahi ni Boracay Island Administrator Glen SacapaƱo na ibahin ang design ng street lights.

Nakatakda rin aniya nilang talakayin ang budget para sa naturang proyekto.

Samantala, nabatid na ang mga nasabing street lights ay isa sa mga paghahanda ng LGU para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit 2015 sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment