YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 15, 2014

Lalaking nakikipag-inuman, sinaksak

Posted September 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sugat sa kaliwang braso at likod ang tinamo ng isang lalaki matapos saksakin sa Barangay Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Ayon sa report, nakikipag-inuman ang biktimang si Jeson Casidsid, 20 anyos ng Laserna, Nabas, Aklan kasama ang kanyang mga kaibigan nang bigla na lamang umano silang binato ng bote ng suspek na si Ernie Leal, 22 anyos ng Mambusao, Capiz.

Hinabol din umano nito ang biktima at sinaksak sa hindi nalamang dahilan at tumakas.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima.

No comments:

Post a Comment