YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 16, 2014

Manoc-manoc National High School, patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa mga sinapiang mag-aaral

Posted September 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nagpapatuloy ngayon ang imbistigasyon ng Manoc-manoc National High School kaugnay sa kanilang mga sinapiang mag-aaral nitong nakaraang linggo.

Kaya naman muling tumangging magbigay ng pahayag ang nasabing paaralan habang inaalam pa ang tunay na nangyari.

Magugunitang dinala ng kanilang mga kaklase at mga kaibigan ang nasa anim hanggang pitong estudyante sa simbahan matapos umanong sapian ang mga ito ng masamang espiritu.

Taliwas naman ito sa paniniwala ng mga nakasaksing residente ng Barangay Balabag at mismong mga taga simbahan.

Magugunita ring nanindigan si mismong Fr. Jomel Zambrona ng HRP Boracay na hindi sinapian ang mga nasabing mag-aaral, kasabay ng pagpaalala sa mga magulang ng mga estudyante na dapat nilang subaybayan ang kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment