YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 12, 2014

Diocese of Kalibo Bishop Msgr.Jose Corazon Talaoc, pangungunahan ang High Mass para sa Balabag Fiesta

Posted May 12, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inaasahang magiging espesyal ang araw na ito para sa isla ng Boracay partikular na para sa mga taga Barangay Balabag.

Ngayong araw kasi ang high light ng selebrasyon ng kapistahan para sa parokya ng Our lady of the Most Holy Rosary na kilala din sa tawag na Holy Rosary Parish (HRP) Boracay.

Kaugnay nito, pangungunahan mismo ni Diocese of Kalibo Bishop Msgr. Jose Corazon Talaoc ang High Mass na gaganapin ngayong alas 8:00 ng umaga, pagkatapos ng procession.

Maliban kay Bishop Talaoc, inaasahang bibisita rin sa Balabag Barangay and Religious Fiesta ang mga pari mula sa iba’t-ibang parokya dito sa Aklan.

Nabatid na nag-‘double-time’ sa paggayak ng simbahan sa bispera ng kapistahan kahapon ang mga church workers ng HRP Boracay.

No comments:

Post a Comment