YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 14, 2014

DepEd Aklan, nakahanda na para sa pasukan

Posted May 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) Aklan ngayong pasukan.

Patunay dito ang ginagawang paglilinis ng mga guro maging ng mga estudyante sa kanilang mga paaralan at mga classroom.

Ilang paaralan din ngayong ang dinagdagan ng mga silid aralan ng pamunuan ng DepEd dahil na rin sa kinukulang na ang mga class room ng ilang paaralan sa probinya dala ng pagdami ng mga nag-eenrol na estudyante.

Nabatid na ngayong darating buwan ng Hunyo a-tres ay magbubukas ang klase sa lahat ng antas ng DepEd.

Sa kabilang banda siniguro naman ng DepEd na magiging handa sila sa pagdagsa ng mga mag-aaral ngayong nalalapit na enrolment.

Samantala, hinihikayat naman ng Aklan Division Office ang lahat na mga magulang na gabayan palagi ang kanilang mga anak sa pag-aaral upang hindi mabaling sa ibang bagay ang kanilang atensyon.

No comments:

Post a Comment