YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 14, 2014

Bungo at kalansay ng tao, natagpuan sa Cagban, Manoc-manoc, Boracay

Posted May 13, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isinailalim na sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang natagpuang bungo at kalansay ng tao sa Boracay nitong Sabado.

Ayon sa report ng Boracay PNP, natagpuan ng dalawang construction worker sa isang construction site sa Sitio Cagban, Manoc-Manoc ang nasabing bungo at kalansay.

Kaagad umano nilang ipinagbigay alam sa chief security guard doon ang kanilang nadiskubre.

Dinala naman kinabukasan ng chief security ang mga buto sa simbahan upang mapabendisyunan at mailibing sa Balabag Cemetery.

Samantala, kaagad inimbistigahan ng Boracay PNP at SOCO ang pangyayari kung saan, hinukay nila sa sementeryo ang bungo at kalansay para sa isang medico legal examination.

No comments:

Post a Comment