Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bagama’t tumanggi munang magbigay ng pahayag ang
mga taga Boracay PNP.
Kinumpirma naman ng mga ito na sumuko kaninang alas
12:45 ng tanghali ang suspek na si Jerwin Tobilla Y Tiaga, security guard na
nakabaril sa biktimang si Lucas Gelito Y Santos III ng Brgy. Manoc-Manoc
Boracay.
Matatandaan na bandang alas syete kaninang umaga
naganap ang insidente sa Laguna de Boracay Resort kung saan ideneklarang dead
on arrival sa ospital ang biktima dahil sa seryosong tama nito sa dibdib.
Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang
imbestigasyon ng mga ororidad sa kaso.
No comments:
Post a Comment