Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsimula na kahapon ang selebrasyon ng
taunang Ati-Atihan Festival sa Kalibo
Aklan na itituring ding “mother of all festivals” sa bansa.
Sa pagsapit ng opening salbo, ginanap naman ang “Search
ng Mutya at Lakan ng Kalibo Ati-Atihan 2014” kung saan tampok ang mga
nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang mga kalahok mula sa ibat-ibang bayan sa
probinsya.
Nabatid rin na mahigit sa limang mga sikat na
artista at iba pang mga TV Personality sa bansa ang inabangan para sa nasabing patimpalak.
Bilang pagbubukas naman ng kapistahan, ang Kalibo
Sto. Niño Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) ay handang-handa na rin para
dito.
Sa kabilang dako, ramdam na rin ang lakas ng ingay
ng mga tambol at kasiyahan ng mga taong sumasali sa street dancing sa kahabaan
ng Kalibo Pastrana Park.
Samantala, sa darating na Huwebes ay gaganapin ang
pinaka-aabangang “Higante Parade” na lalahukan naman ng labing anim na mga
bayan sa probinsya ng Aklan.
Kabilang dito ang pagpapakita ng kanilang mga ipinag-mamalaking
produkto at talento sa presentasyon.
Kaugnay nito, mas lalo naman ngayong pinaigting ang
ginagawang seguridad sa bayan ng Kalibo para sa sampung araw na selebrasyon ng
Ati-Atihan Festival na magtatapos sa January 19, 2014.
No comments:
Post a Comment