Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umaasa parin umano ang probinsya ng Aklan na
papayagan ng Korte Suprema ang Reclamation Project sa Caticlan Malay Aklan.
Ayon kay Sangguniang Panlalawigan (SP) Secretary
Odon S. Bandiola.
Bagamat wala pa umanong balita hinggil sa desisyon
ng Supreme Court tungkol dito, nabatid na magkakaroon ulit ng petisyon ang
probinsya para payagan ng isagawa ang Caticlan Reclamation Project.
Dagdag pa rito inaasikaso narin umano ang ilang mga
problema sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para
makumpleto ang mga kinakailangang dokumento na isusumite sa korte suprema.
Matatandaang nagpalabas ang kataas-taasang hukuman
ng Temporary Restraining Order (TRO) upang ipahinto ang P1-billion project ng
probinsya na i-reclaim ang tens of hectares ng Boracay Island at Caticlan,
dahil sa ilang isyung pangkapaligiran.
No comments:
Post a Comment