YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 20, 2013

Mga opisyales ng barangay Balabag, namudmod ng relief goods

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay  

Mahigit kumulang walong daang plastic bags ng relief goods ang ipanamudmod ng mga opisyales ng Barangay Balabag kaninang umaga.

Ayon kay Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo, nagmula sa Magkasangga Partylist, local government ng Barangay Balabag at mayor John Yap ang mga nasabing relief goods.

Laman ng mga plastic bags ang ilang lata ng sardinas, bigas, at gatas na ipinamudmod mismo sa Barangay Balabag Plaza, dakung alas sais kanina.

Ayon pa kay Kap Lilibeth, hindi lang mga evacuees ang binigyan ng mga goods kungdi ang mga volunteers na tumulong sa kasagsagan ng bagyong Yolanda.

Nagpasalamat naman ang mga benipisyaro ng mga nasabing relief goods.

No comments:

Post a Comment