Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaugnay nito, sinabi naman ni Malay Local
Government Operations Officer II Mark Delos Reyes, na kung maaari ay huwag
nalang lagyan ng pangalan ang mga ibinibigay na mga relief goods.
Pero ito umano ay isa lamang rekomendasyon at
nakadepende parin sa mga pulitiko kung kanilang gagawin.
Ayon pa kay Delos Reyes, ang mga relief goods
ay naipapamudmod sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) at maaaring nandoon din ang mga pulitiko.
Sakaling gamitin man umano ito sa pamumulitika
ay nakadepende na sa taong bayan kung ano ang kanilang mga magiging desisyon
dito.
No comments:
Post a Comment