Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

May kumakalat kasi di umanong impormasyon na magkakaroon ng water
shortage dito sa isla kung saan mariin namang itinanggi ng nasabing kompaniya.
Samantala, sa tulong ng LGU Malay siniguro nitong sapat ang diesel ng
kanilang generator sets para sa tuloy-tuloy na serbisyo na patubig.
Ipinagbigay alam na rin ng BIWC na maaaring tumawag para sa anumang
katanungan sa kanilang hotline 288-6622 o sa mobile no. 09981913280.
Dagdag pa rito, makasisiguro rin ang lahat ng mga residente sa Malay na
mayroong sapat na supply ng tubig mula sa Boracay Water at Water Treatment
Plant sa likod ng Caticlan Airport malapit sa Baptist Church.
No comments:
Post a Comment