YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 03, 2013

Mayor John Yap, pinangunahan ang inaguration speech ng mga new set of officials ng Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Pinangunahan ni Mayor John Yap ang inauguration speech ng mga bagong opisyales ng konseho sa bayan ng Malay.

Ginanap ito kahapon ng umaga sa Malay session hall na dinaluhan din ng ibat-ibang departments heads ng LGU Malay gayon din ng mga miyembro ng private sectors sa nasabing bayan.

Dito isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga konsehal na kapwa nagpasalamat sa mga tumulong sa kanila upang makamit ang tagumpay.

Nangako din ang mga ito na gagawin nila ang kanilang trabaho sa abot ng kanilang makakaya para sa lalo pang pag-buti ng bayan ng Malay.

Malugod naman silang tinanggap ni Mayor Yap at newly elect Vice Mayor Wilbec Gelito, na nagsilbing presiding officer sa nasabing inugarasyon.

Inaasahan din umano nila ang mga bagong ordinansang ipapatupad ng mga SB officials.

Samantala, isa-isa ding nag-paabot ng kanilang mensahe ang mga department heads at ipinaabot din ang kanilang pagbati sa mga bagong miyembro ng konseho.

No comments:

Post a Comment