YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 05, 2013

Dating Malay konsehal Dante Pagsuguiron, gustong maging observer sa SB Session ng Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Gusto umano ngayon ni dating Sangguniang Bayan Dante Pagsuguiron na maging observer sa tuwing magkakaroon ng session ang SB Malay tuwing Martes.

Sa naging pahayag nito sa isinagawang inaguration speech ng mga new set officials nitong nakaraang Martes sa Malay session hall, inamin nitong gusto niyang maging observer sa mga baguhan at sa mga dating kasamahan nito sa konseho sa tuwing isinasagawa nila ang lingguhang session.

Aniya, nais niyang kapag magkakaroon ng mga bagong ordinansa na gustong maipatupad ang mga konsehal ay siya ang magiging tulay o ang magpapa-abot kay Mayor John Yap ng mga napag-usapan sa nasabing session.

Pero sa ngayon, nais niya pang hilingin kay Mayor Yap kung papayagan siya nito sa nais niyang mangyari na kahit wala na ito sa pagiging konsehal ay buo pa rin umano ang kanyang loob na maglingkod sa nasabing bayan.

Matatandaang naglingkod ng halos siyam na taon si Pagsuguiron bilang konsehal sa bayan ng Malay at natapos nito ang kanyang termino nitong nakaraang buwan ng Hunyo.

No comments:

Post a Comment