YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 06, 2013

Labi ng pinaslang na dalaga sa bayan ng Makato inihatid na sa huling hantungan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang 26-anyos na biktima ng pamamaslang na si Leah Lee Cipriano ng Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Officer PO3 Nida Gregas, kanina umanong ala-1:00 ng hapon ay idinaos ang misa para sa labi ni Cipriano sa Cathedral sa bayan ng Kalibo.

Dinagsa ito ng mga nakiramay dahil na rin sa masaklap na sinapit nito sa kamay ng mga pumatay sa kanya.

Matatandaang ang biktimang si Leah Lee ay pinaslang nitong nakaraang buwan lang at natagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa isang hukay sa masukal bahagi ng kakahuyan sa Brgy. Agbaeogo, Makato, Aklan na naka-silid na sa sako.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng binuong Task Force Cipriano ng APPO, kung saan ilan na umano sa anim na mga suspek ang lumutang at inamin ang kasalanang nagawa.

No comments:

Post a Comment