YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 11, 2013

Mga proyekto sa Aklan, tuloy pa rin kahit may bagong gobernador na

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Matutuloy pa rin ang mga proyekto ng pamahalaang probinsiya kahit may bagong gobernador na ang Aklan.

Ito ang inihayag ni Governor Carlito Marquez sa panayam dito kahapon.

Dahil kampante ito na ang mga planong proyekto umanong ito ay suportado at ini-endorso na rin ng mga LGUs gaya na lamang ng reklamasyon sa Caticlan na na-endorso na rin ng Sangguniang  Bayan kaya hindi nito ikinababahala dahil matutuloy pa rin ito kahit may bagong administrasyon na.

Samantala, pinasalamatan naman ni Marquez ang mga Malaynon, lalo na ang mga sumuporta dito sa siyam na taon nitong panununkulang bilang gobernador ng probinsiya.

Si Marquez ay magtatapos na ng kaniyang termino ngayong Hunyo kasabay ng pagkakaroon ng bagong halal na mga opisyal ng probinsiya ngayong May 13, 2013 elections.

No comments:

Post a Comment