YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 08, 2013

Biyahe ng bangka sa Boracay hanggang alas-10 lang ng gabi --- PCG Caticlan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

24 oras ay may naglalayag na maaaring masakyan patawid ng Boracay.

Pero hindi umano 24/7 ang biyahe ng mga bangka dito ayon kay ni Caticlan Phil. Coast Guard Lt. Commander Jimmy Oliver Vingno.

Sapagkat ang bihaye lamang umano ng mga bangka
ay hanggang alas-10 lang ng gabi o night navigation na siyang nakasaad sa kanilang mga Certificate of Public Conveyance o CPC na ibinigay ng Marina.

Kaya ang dalawang Fast Craft umano ang pwedeng bumiyahe ng 24 oras.

Samantala, mariin nitong sinabi na “bawal na umano ang chartered o pag-arkila sa ng bangka”.

Ito ang nilinaw ni Vingno sa panayam dito.

ito ayd ahil dapat umano ay hindi namimili ng pasahero ang mga bangka lalo na sa night navigation hanggang pasok pa sa oras ng kanilang serbisyo.

Ang pahayag na ito ni Vingno ay bilang sagot din nito sa mga tanong ng publiko kung hanggang anong oras pwedeng may masakyan ang mga pasahero, lalo na ngayong summer season na.

No comments:

Post a Comment