YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 11, 2013

2nd batch ng Libreng Sakay ID ng mga Senior Citizen sa Malay, dumating na

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Handa nang ipamigay ang 2nd batch ng Libreng Sakay ID ng mga senior citizens.

Sapagkat nasa tanggapan na ito ng punong ehekutibo sa ngayon at ipinamimigay na sa mga Malaynon na senior citizens.

Bagamat ang unang batch ng mga ID na ito ay natanggap na ng ilang Malaynon na may edad 60 pataas noong nagdaang taon pa.

Aasahang maliban sa 2nd batch na ito ay may mga ID pang susunod para sa iba na hindi makakatanggap sa ngayon.

Ang Libreng Sakay ID na ito na programa ng lokal na pamahalaan ng Malay at isang Foundation ay ibinibigay sa lahat ng kwalipikadong mga senior citizen sa mga Barangay ng Malay kasama na ang isla ng Boracay

Kung saan sa mga sasakyan gaya ng tricycle at bangka dito ay pwedeng sumakay ang mga ito na walang bayad ang mga may edad ng Malaynon na may hawak ng mga ID na ito.

No comments:

Post a Comment