YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 21, 2013

Signature campaign para kay Ati community spokesman Dexter Condez, ipapadala umano kay pangulong PNoy

Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Ipapadala umano ng Simbahang Katoliko kay Pangulong Benigno Aquino III ang mga nalikom na pirma sa kanilang signature campaign.

Ito ang kinumpirma ni Rev. Fr. Arnaldo "Nonoy” Crisostomo, mediator ng Holy Rosary Parish Ministry sa panayam ng himpilang ito nitong umaga.

Kung saan kinumpirma nito na umabot na rin sa libong mga pirma ang kanilang nalikom nitong mga nagdaang araw.

Layunin umano ng nasabing signature campaign na ipabatid ang pagdaramdam at paghahanap ng katarungan ng buong kumunidad, sa nangyaring pagpaslang kay Ati spokesman Dexter Condez nitong nagdaang Pebrero bente dos.

Ang pangyayaring ito ayon pa kay father Nonoy ay hindi rin dapat ipag-pikit mata ng lahat at ng mga kinauukulan.

Patuloy din nitong hinikayat ang mga gustong makibahagi sa nasabing signature campaign, na magtungo lamang sa Holy Rosary Parish.

Samantala maliban kay Pangulong Benigno Aquino III, ay padadalhan din umano ng kopya ng mga pirma ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

No comments:

Post a Comment