YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 21, 2013

Prayer rally bukas para sa Ati spokesman na si Dexter Condez, all set na

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

All set na ang gaganaping prayer rally bukas para sa pinaslang na Ati spokesman na si Dexter Condez.

Ayon kay Rev.Fr. Nonoy Crisostomo, mediator ng Holy Rosary Parish Team Ministry sa Boracay, inaayos na lang ang maikling programa para kay Dexter bukas, kung saan inaasahan umanong may mga grupong darating na magsasalita katulad ng taga BFI o Boracay Foundation Incorporated.

Sinabi pa nito na hindi lamang para kay Dexter ang gagawing prayer rally kungdi para din sa kapayapaan ng buong isla.

Ang prayer rally din umanong ito ay pareho lang din halos sa regular na station of the cross tuwing araw ng Biyernes, dahil ito’y nakatuon sa pagninilay-nilay sa mga pinagdaanan ng Panginoong Hesus.

Ang ipinagkaiba lamang ayon pa kay Fr. Nonoy ay ang konteksto, lalo pa’t ito’y nakatuon naman sa pagninilay-nilay kung bakit may mga nagaganap na kahalintulad na krimen sa isla.

Nabatid na sisimulan ang station of the cross o prayer rally bukas ng alas tres y medya ng hapon sa Lupaing Ninuno sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc at magtatapos sa mismong Holy Rosary Parish Church.

Sa panayam naman nitong umaga kay Fr.Nonoy ay kanyang ipinaabot ang kanyang paanyaya sa lahat ng mga gustong sumama bukas sa nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment