YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 21, 2013

Serbisyo ng dating Malay PNP chief, kikilalanin ng SB Malay

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Planong bigyan ng pagkilala ng Sangguniang Bayan si P/Insp. Mark Cordero dahil sa magandang serbisyong ibinigay nito sa bayan ng Malay.

Sa mosyon na binuksan ni SB Member Rowen Aguirre sa privilege hour sa sesyon kahapon, sinabi nitong “excellent” ang naging serbisyo ni Cordero bilang hepe ng Malay PNP sa loob ng mahigit kumulang dalawang taon.

Wala din umanong isyu na kinasangkutan si Cordero at naging isang masikap at masigasig na alagad ng batas.

Dahil dito, isang resolusyon ang ipinasa ni Aguirre upang purihin ang mga nagawa ng dating Malay PNP chief.

Agad naman itong sinang-ayunan ng mga kapwa miyembro ng Sanggunian at ipinasa ang resolusyon.

Maaalalang noong isang linggo ay nilisan na ni Cordero ang bayan ng Malay at binigyan ng ibang assignment ng provincial office.

No comments:

Post a Comment