Pasok pa rin sa standard ang tubig sa Boracay ayon sa water
analysis na isinagawa ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR.
Ito ang nabatid mula kay Boracay Community Environmental
Natural Resources Office (CENRO) Officer Merza Samillano sa panayam dito.
Aniya, dalawang beses sa isang buwan isinasagawa ang water
sampling sa Boracay para malaman kung ligtas pa ba ito sa naliligong publiko sa
isla, gayong ang tubig dito ay dapat para din sa recreational standard at
panturismo.
Batay aniya sa resulta ng pagsusuri sa water sampling nitong
nagdaan buwan, nasa standard pa rin ang tubig dito, kaya walang dapat na ikabahala
ang publiko.
Kaugnay nito, inihayag naman ng nasabing opisyal na sa
Regional Office pa ng EMB/DENR ginagawa ang pagsusuri sa tubig.
Pero, ibinalita naman nito na nagpresenta na rin ang
pamahalaang probinsiya na magtatayo sila ng water laboratory para dito sa
Boracay.
Samantala, sa mga usapin naman hinggil sa mga resort na
nagdidispatsa ng kanilang waste water, gayong may mga discharges permit naman
umano ang mga establishsmentong ito, sinisiguro din ng tanggapan nila na
nakoko-comply pa rin ang nakasaad dito.
Kaya kung sino umano ang makita o malaman nilang hindi
nag-comply ay ito ang kanilang iisyuhan ng notice of violation. | ecm092012
No comments:
Post a Comment