Kaya ayon kay Chief PT Officer Ronny Hiponia, OIC Station Commander ng Coast Guard Caticlan, ang pagpapasya kung kakanselahin o hindi ang operasyon ng mga sea sports dala ng biglaang pagsama ng panahon ay nasa mga kamay umano detachment sa Boracay dahil may instraksiyon na rin umano sila kaugnay dito.
Aniya, kapag lumakas ang hangin at tumaas ang mga alon ay dapat ang detachment sa Boracay ang siyang magpapalabas ng babala.
Pero kapag may ibinaba na umanong babala, hindi naman aniya ibig sabihin nito ay buong araw na nang i-sususpende ang operasyon ng sea sports dahil pansamantala lamang ito.
Kaya ang pagbawi din sa suspensiyon ay nasa pagpapasya din umano ng Coast Boracay Detachment. | ecm092012
No comments:
Post a Comment