Ito ay batay sa record ng Provincial Health Office (PHO)
Aklan sa panayam kay Debby Villaflor, Provincial Nurse Coordinator ng
STI/HIV/AIDS sa Aklan.
Aniya, sa naitalang 24 na kaso ng Regional Health Office 6,
anim dito ang binawian na ng buhay, siyam naman ang bago at ang natitira ay may
ilang taong na rin nilang minomonitor.
Dagdag pa ni Villaflor, ang bilang na naitala sa Aklan na
nagkasakit ng HIV/AIDS ay may lima hanggang anim na taon na nilang nailista
maliban sa mga bago pang kaso.
Mabatid din mula dito na pawang mga kalalakihan ang
karamihan sa mga ito, kung saan nakuha nila ang sakit dahil sa pakikipagtalik.
Samatala, tumaggi naman si Villaflor na banggitin kung saang
mga bayan sa Aklan nagmula ang mga taong ito, para din umano sa seguridad ng
mga pasyente. | ecm092012
No comments:
Post a Comment