Mistulang umaasa pa rin ang Boracay Land Transportation
Multi-purpose Cooperative na sa muli nilang pag-apela sa Sangguniang Bayan ng
Malay na pahintulutan na ang kapareho nilang hiling dati na minsan na ring dineny
o ibinasura ng konseho.
Sapagkat muling humirit ang kooperatibang ito ang
karagdagang 17 pang unit ng tricycle para sa cargoes.
Bagamat ang kahilingan ito ng BLTMPC ay tinanggap ng konseho
at muling ipina-ubaya sa komitiba ng transportasyon na pinangungunahan ni SB
Member Welbic Gelito, mistulang hindi naman sang-ayon dito ang konseho,
sapagkat nais na rin umano nila ngayon na kumbinsihin ang public transport partikular
sa sasakyan para sa cargoes na pinapasok sa isla na dapat ay de apat na gulong
o 4 wheels na. lalo pa at ang mga daan umano sa Boracay ay mabundok o matataas
na terrain.
Gayon pa man, ikinunsedira pa rin ito ng SB at muling
pag-aaralan umano ng kumitiba.
Magugunitang sa unang kahilingan ng BLTMPC na ibinasura ng
konseho, nanindigan ang mga konsehal na hanggang limampung unit lamang talaga ang
pinahihintulutan nilang bilang ng tricycle para sa cargoes.
Kasalukuyan nang may 50 units ang BLTMPC, bagay na
pinag-iisipan pa ng mga konsehal ng bayan kung pagbibigyan pa ang apelang ito.
No comments:
Post a Comment