Katulad ng ibang hepe ng Boracay pulis na dumaan sa
panunungkulan dito, isang malaking hamon din umano para kay Police Senior
Inspector Joeffer Cabural, bagong chief of police ng BTAC na ma-assign dito.
Pero desidido pa rin umano itong ipatupad ang mandato ng
pulisya sa isla.
Kaya sa panayam ng himpilang ito kay Cabural ay nanawagan
ito sa mga Boracaynon at mga stakeholders na suportahan ang kapulisan sa isla
para sa pagsugpo ng kriminalidad, sa paniniwalang malaki ang maitutulong ng komunidad
dito.
Bilang reaksyon naman nito sa hiling ni Vice Mayor Cesiron
Cawaling na dapat pagtuonan ng pansin ang problema sa mga “ladyboy” na
nanghahabol ng mga turista tuwing madaling araw sa front beach, lamang makakuha
ng kustomer, sinabi ng bagong hepe na walang indiskriminasyong mangyayari sa
mga bading sa Boracay, sakaling magkaroon man sila ng operasyon para sa gawaing
ito.
Dahil kapag nahuli o naaktuhan umano nila na ang labas ay
stalker na sa mga turista ang mga bading, ay hindi na umano iyon pwede kaya
kailangang panagutin.
Kaugnay naman sa usapin na kung magtatagal pa ito sa BTAC
bilang hepe dahil halos ang mga hepe na dumaan dito ay napapalitan agad at di
nagtatagal, sinabi nitong ang bagay na ito ay hindi niya masasagot sa ngayon.
Basta’t ang alam lang umano nito ay gawin ang mandatu sa
kaniya, para sa siguridad, katahimikan at kaayusan ng Boracay.
Si Cabural ay iniluklok na hepe ng BTAC epektibo nitong
ikadalawampu’t siyam ng Agosto.
No comments:
Post a Comment