Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nagpahanap
muna ng pansamantalang kapalit bilang presiding officer si Vice Governor
Gabriele Calizo-Quimpo mula sa hanay ng miyembro ng Sangguninag Panlalawigan
kasunod ng kahilingan ni SP Member Rodson Mayor na mag-privilege speech ito sa
ginanap 22nd Regular Session nitong umaga.
Bagamat nang
mag-umpisa ng session noong Hulyo 4 taong kasalukuyan ay kalmado ang lahat,
ngunit nang sumapit na sa privilege speech, ay umiwas na lamang si
Calizo-Quimpo bago pa man magsimula si Mayor.
Matatandaang
nitong nagdaan Hunyo 27 sa ginanap na 21st Regular Session ay
lumikha ng ingay sa loob ng session hall ang mainit na argumento hanggang sa
humantong sa di umano ay pagpapalabas kay Mayor at pagpapahuli dito sa mga
guardiya na ipinag-utos ng Bise Gobernador.
Maliban dito,
nasundan pa ang kaganapang iyon ng di umano’y pagpapatawag ng press conference
ni Mayor at hindi pa ito inimbitahan bilang isa sa delagasyon ng Aklan sa isang
pagtitipon sa Laog City.
Bago simulan
ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang kanilang regular session nitong umaga,
nagpatawag muna ng pulong si Quimpo upang linawin ang ilang bagay bago sila
sumalang sa 22nd Regular Session.
Dahil dito,
naantala ng isang oras ang pagsimula ng sisyon na karaniwang nagsisimula sana
alas nuebe y medya ng umaga.
No comments:
Post a Comment