Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Proteksyon at para sa kapakanan ng mga lot owners sa Boracay
ang pangunahing layunin kung bakit ipinbasa ang House Bill 4793 ni Aklan
Congressman Florencio Joeben Miraflores kaya ikinunsulta nito sa mga stake
holder sa Boracay ang mga maaaging mangyari kapag naaprubahan ito.
Una, nilinaw nito na umabot na sa senado ang house bill na
kanyang ipinasa na naglalayong mabigyan na ng titulo ang mga lot owners sa
Boracay makaraang ideklara ng dating Pangulong Gloria Arroyo na public domain
ang Boracay.
Pero, anya, nagkaroon na ng panibagong bersiyon ang Senado
maliban sa ipinasa niyang panukala.
Bagama’t ang nilalaman umano ng kanyang panukala at ng
bersiyon ng Senado ay pareho lang, may ilang bersiyon anya doon na binago.
Kung saan tinutukoy na kung ang bersiyon ng senado ang
ia-adopt nila, may isang section doon na kailangang magkaroon ng Boracay Island
Council sa pagkakataong ito na sa ilalim ng pamumuno ng tanggapan ng Pangulo sa
pangunguna din ng kalihim ng mga departamento at ang mga miyembro nito ay
bubuuin pa rin ng gobernador, alkalde at tatlong punong barangay sa Boracay.
Maliban dito, sa house bill umanong ito na isinulong niya, hindi
na 15 metro sa bawat panig mula sa gitna ang set back kung maiging 5 metro na
lang kaya hindi mapupunta sa kung saan ang mga lupa nila.
Dagdag pa nito, mabibigyan na din umano ng seguridad ang mga
may-ari ng lupa na hindi na ito makukuha sa kanila, katulad sa nangyayaring
squatting o pag-upa at pag-angkin na sa kinalaunan.
Bunsod nito, nanghingi na si Miraflores ng opinion ng mga
stakeholders kaugnay sa nasabing isyu upang ito na rin ang maipaabot sa senado
at makatulong sa kanyang pagdedesisyon kung kaninong bersiyon ang ia-adopt
nila.
Ang nasabing pag-konsulta ay ginawa ng kongresista sa pulong
ng Boracay Foundation Inc. (BFI) nitong Sabado.
No comments:
Post a Comment