YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, February 26, 2012

Mga bangkay na biktima ng masaker sa Bulwang, Numancia, isinailalim sa post mortem

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kahapon ng hapon ay isinailalim sa post mortem examination ang limang bangkay na biktima ng masaker sa Barangay Bulwang, Numancia na ganap kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay pinagtataga at pinalakol sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng suspek na kinilalang si Errol Rivas Roldan, na kamag-anak din ng mga biktima.

Ito ay makaraang pasukin nito ang dalawang pamamahay kung saan natutulog ang mga biktima na si Anunsacion Rivas, 98-anyos at asawa nitong si Luciano Rivas 94-anyos, Salvacion Rivas 84-anyos, Baltazar Rivas 51-anyos, at Fely Rivas.

Samantala, maliban sa sa limang biktima na idineklarang dead on the spot, patuloy namang ginagamot sa pagamutan sa bayan ng Kalibo ang isa pang biktima na kinilalang si Rosa Baltazar.

Sa impormasyon mula sa Numancia Police, hindi man lang napansin ng mga residente sa loob ng compound ng mga Rivas ang mismong pagpatay sa mga biktima sapagkat nangyari ito habang natutulog pa ang karamihan doon kung kaya hindi agad ito napigilan.

Sa kasalukuyan ay hawak na rin ng pulisya makaraang bulontaryo namang sumuko ang suspek, na di umano ay nakakaranas ng depresyon, matapos itong iwan ng kanyang asawa dala ang kanilang mga anak. 

No comments:

Post a Comment