Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Marami pang establisimiyento sa Boracay ang hindi nagbibigay ng opisyal na resibo sa mga kostumers, kaya nagpa-alala ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa ilang stakeholders na ugaliin ang pagbibigay ng resibo.
Ito ay sa kabila ng matagal na aniyang apela ng kawanihan, partikular na ni Ricardo Osorio, direktor ng BIR-Kalibo, kaugnay sa ilang obserbasyon nito sa Boracay.
Ito ay sa kabila ng pag-abot at pag-lampas umano ng BIR ang target collection nitong nagdaang taon ng 2011 at nagmumula sa isla ang malaking bahagi ng tax collection ay nakikita pa rin umano nila na hindi sumusunod dito ang ilang establisimiyento.
Dahil dito ay ganoon na lang din ang paalala nito at baka umano mga empleyado na pala ng Department of Finance ang kostumer ng mga establisimiyento at maaktuhan pa sila sa ganitong gawain.
Dahil dito, puspusan ang paalalang ginagawa ngayon ng BIR para sa mga tax payer at mga negosyante sa Boracay, kasabay hiling na magdeklara ng tamang kita.
Samantala, hinimok naman ngayon ni Osorio ang publiko na makiisa sa katulad na kumpaniya ng BIR at sa oras na hindi umano makakatanggap ng resbo sa mga transaksiyon ay maaari ipaabot ang reklamo sa BIR.
No comments:
Post a Comment